“Respeto sa Semana Santa”: Kito Co, Sinagot ang Pagpapatanggal ng Tarp

Usap-usapan ang pagtanggal ng mga tarpaulin ni former Cong. Christopher “Kito” Co noong nakaraan lingo—ayon sa iba ay aatras na raw ito sa pagtakbo sa susunod na eleksyon; pero ayon sa kanya, nirerespeto niya lang ang Semana Santa.

Mapapansin kasi ang naglipanang tarpaulin ng mga pulitiko sa probinsya na inaasahang tatakbo sa susunod na eleksyon.

Ayon sa ilang mga Albayano, nakakasawa na raw ang pagka-epal ng mga pulitiko sa probinsya at natutuwa sila na may mga tao pa rin may delikadesa para respetuhin ang Semana Santa.

Matatandaan rin noong mga nakaraang buwan, binaklas rin ang mga tarpaulin ni MAKAPA Corporation CEO Caloy Andes Loria dahil sa mga paglabag sa building code.

Written by
Bikol Ngunian
View all articles
Written by Bikol Ngunian