‘DUWA, SUGATAN SA BANGGAAN NIN MOTORSIKLO ASIN TRICYCLE SA MASBATE CITY’

Sugatan ang driver ng isang motorsiklo at driver ng tricycle matapos silang magsalpukan sa kalsadang bahagi ng Brgy. Kinamaligan, Masbate City dakong alas 9:50 kagabi, Oktubre 9, 2023.


Sa inisyal na impormasyon, head-on collision ang nangyari sa dalawa dahilan para magtamo ng matinding pinsala at sugat ang driver ng motorsiklo habang sugatan din ang driver ng tricyle.


Agad din dilang idinala sa ospital ng Masbate City DRRMO matapos lapatan ng paunang lunas.


Patuloy ngayon ang imbestigasyon sa sanhi ng aksidente.


Photo Courtesy: Masbate City DRRMO

Written by
Bikol Ngunian
View all articles
Written by Bikol Ngunian