duwa arestado sa Naga City sa kasong pagnanakaw

‘DALAWA, ARESTADO SA PAGNANAKAW SA NAGA CITY’

Arestado ang dalawang lalaki sa hot pursuit operation ng awtoridad matapos na magnakaw sa Balatas Naga City kahapon, Oktubre 10, 2023.


Sa ulat, tinangay ng mga suspek ang mga electrical wires at plumbing materials na nagkakahalaga ng P80,000.


Nahuli naman kaagad ang mga suspek kung saan narekober ng awtoridad ang mga electrical bronze wire na nagkakahalaga ng P7,000.


Nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga suspek na mahaharap sa kasong Theft.


Photo Courtesy: Police Station 6, NAGA CPO

Written by
Bikol Ngunian
View all articles
Written by Bikol Ngunian