Naga, Philippines – Ayon mismo sa isang reliable source sa loob ng kampo ni former Vice President Leni Robredo, nakahanda nang maglipat ng registration si Robredo mula sa Magarao pabalik ng Naga bilang paghahanda sa kanyang pagtakbo bilang Mayor sa 2025.
Ito ay matapos ang sunod-sunod na pagpupulong na naganap sa iba’t-ibang civil society organizations sa Naga.
Kurapsiyon sa City Hall
Ayon sa source, hindi na matiis ng mga grupo ang talamak na kurapsiyon na nangyayari sa City Hall ng Naga. Aniya, napakalaki ng “SOP” na hinihingi sa mga proyekto sa Naga. Pati umano mga contractors ay umaaray na sa laki ng porsiyento na hinihingi ng “bagwoman/asawa ng isang mataas na opisyal ng Naga City”.
Kung hindi umano magbibigay ng advance payment ang mga contractors, hindi umano ibibigay sa kanila ng proyekto.
Kasabay pa nito ang talamak na vote-buying na nangyari noong huling eleksiyon na matagal nang hindi nangyayari sa Naga simula nang mamahala si Jesse Robredo.
Ito daw ay lubos na ikinalungkot ni Robredo. Aniya, tila niyurakan ang legacy ng kanyang namayapang asawa na si Jesse Robredo.
Ayon pa sa source, mukhang matindi ang magiging banggaan sapagkat malaki na ang nalikom na pera ng mag-asawa na ito. Katunayan, napakadami umano nitong nabiling mga lupa sa mga upper barangays ng Naga City kahit na dating mahirap lang ang mga ito bago pumasok sa pulitika.