Iniulat ng LGU-Buhi's Lake Development Office (LDO) ang insidente ng fish kill noong Nobyembre 19, 2023, sa Lake Buhi, Camarines Sur.

‘LAKE BUHI SA CAMARINES SUR, TINAMAAN NIN FISH KILL’

Iniulat ng LGU-Buhi’s Lake Development Office (LDO) ang insidente ng fish kill noong Nobyembre 19, 2023, sa Lake Buhi, Camarines Sur.


Ang BFAR Bicol, sa pamamagitan ng Regional Fish Health Laboratory, ay nagsagawa ng regular na water sampling noong Nobyembre 16 sa pitong istasyon na bahagi ng Sta. Elena, Center of the Lake, Ipil, Tambo, Salvation, Iraya at NIA area.


Batay sa resulta ng laboratoryo, kabilang sa mga nakolektang water physico-chemical parameters, ang dahilan ng fishkill ay ang napakababang antas ng dissolved oxygen mula 2.01 hanggang 4.55 ppm. Ang normal na antas para sa dissolved oxygen ay hindi dapat mas mababa sa 5 ppm.


Kasalukuyang mino-monitor ng BFAR Bicol ang nasabing ilog kung saan kahapon, Nobyembre 20, nagsagawa ulit ng warer quality testing ang ahensya sa sampung sampling station. Ang lahat ng mga sample ng tubig na nasubok ay may dissolved oxygen level na kasing baba ng 0.22 ppm.


Ang mga sample ng tilapia kinolekta rin para sa microbiological analysis upang matukoy kung maaari itong kainin ng tao at i-screen para sa Tilapia Lake Virus (TiLV).


Pinapayuhan ang publiko na tiyakin ang kasariwaan at kalinisan ng tilapias bago kainin.


Samantala, hinimok naman ng BFAR Bicol ang mga fish cage operator na magsagawa ng emergency harvest para makatipid at hindi na maapektuhan pa ang kanilang ibang isda.


Inaatasan din silang mag-ulat ng mga pinsala at pagkalugi sa LDO ng Buhi para sa konsolidasyon.


Photo Courtesy: via BFAR Bicol

Written by
Bikol Ngunian
View all articles
Written by Bikol Ngunian