Lalaking naaresto sa Manito, Albay dahil sa panghahabon

‘LALAKI ARESTADO DAHIL SA PAGNANAKAW SA MANITO, ALBAY’

Kalaboso ngayon ang isang binata matapos mahuling nagnanakaw sa loob ng isang tindahan sa Purok 2, Barangay It-Ba, Manito, Albay.


Kinilala ang suspek na si Mark Angelo Azueta, 19-anyos, residente ng Purok 5, Barangay Bamban.


Sa ulat ng Manito MPS, nakatanggap sila ng tawag hinggil sa ginagawang pagnanakaw ng salarin kaya agad na pinuntahan ang lugar at dito na nahuli ang suspek na nagnanakaw ng pera.


Agad inaresto ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.

Written by
Bikol Ngunian
View all articles
Written by Bikol Ngunian